June 24, 2009

Ang Pagpapatuloy ng Kwento ng “Lalaking May Styrophobia”.

Gaya ng inaasahan, ito nga po at tinopak muli ang may-akda. Muli po akong magkukwento ng mga nangyari sa ating bida, ang Lalaking may Styrophobia.

Hindi pa pala natatapos doon ang kwento at ito nga po ang karugtong, nang araw na iyon, araw ulit ng Hunyo 18, taong 2009, sa may silong ng kubo, kubo ulit ng 4th yr, matapos syang bumalik roon upang …umiyak, ay lumapit si Mr.President upang humingi ng dispensa sa kanilang nagawa. Kasama nya si Rachiel T. nung mga panahong iyon. Ngunit, nagmatigas ang ating bida. At nagwika “Mga pututututuuuut kasi kayo!!” Pagkatapos noon ay pumunta sya sa pader. (Di ko malaman kung saan banda. Basta pumunta daw sya sa may pader. Yun na yun.) Pinagsusuntok nya ang nasabing pader, kawawang pader.

Natunghayan ng aming adviser ang kanyang ginawa. At pinagalitan sya nito. Kawawang bida.

Si Mr.Pres, ang may pasimuno ng lahat ng iyon, ay kinakabahan. Kinakabahan pagkat may play kami sa Values pagkatapos ng free time na iyon. At sa napakasamang palad, sila’y magkagrupo. Walang nagawa si Mr.Pres kundi ang magpa-under sa ating bida upang magawa nilang maayos ang kanilang play. Si Mr.Pres, ang kinawawa sa play. (Ewan ko ba kung tama ang aking sinabing kinawawa nga siya pagkat mukha naming nag-enjoy sya sa kanyang ginawa.) Ayan at may part nanaman ako. Bwahahah!

Ang kanyang ginawa? Secret.

Alamin sa susunod na pagpopost ko…

Kailangan talagang may bitin effect. Hahah. ^^

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.